Nude pictorial nina Troy at Aubrey, pinasikat ang Batangas resort

by Jojo Gabinete
Jun 10, 2018

Nakaapekto pala, in a good way, ang controversial nude pictorial nina Aubrey Miles at Troy Montero sa The Farm sa San Benito, Lipa City, Batangas, noong March 2018.


As of presstime, naririto sa The Farm ang Cabinet Files kaya ang reaksyon ng management at empleyado tungkol sa nude pictorial nina Aubrey at Troy ang aming inalam.

Continue reading below ↓

Sinabi ng isang insider na tatlong araw na nanatili sa The Farm sina Aubrey at Troy bilang paying customers.

Walang kamalay-malay ang mga empleyado at ang management na may naganap na nude pictorial sa Narra villa ng sikat na wellness spa and resort.

Nalaman lang nila ang nangyari dahil sa mga tawag sa telepono at inquiries na kanilang natanggap mula sa mga interested clients na nagpapa-book sa mismong villa na tinirhan nina Aubrey at Troy.

“Naging in demand po ang Narra Villa dahil sa parang Adam and Eve pictorial nina Aubrey at Troy,” kuwento ng isang eyewitness dahil ang naturang villa ang hinihiling ng mga kostumer ng The Farm.

Pinatotohanan ng Cabinet Files source na may mga na-eskandalo sa nude pictorial nina Aubrey at Troy, pero mas marami ang curious na makita at mamalagi sa most-requested villa na madalas na fully-booked mula noong i-post ng dalawa sa social media account nila ang larawan ng kanilang mga hubad na katawan.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results