Ella, Donnalyn at Carlyn, nagpakitang-gilas sa buwis-buhay scenes sa Cry No Fear

Ipinagtapat ng direktor na si Richard Somes ang mga buwis-buhay na eksena ng mga artista niya sa Cry No Fear, ang suspense-thriller movie ng Viva Films na magbubukas sa mga sinehan sa June 20.

Mga bida sa Cry No Fear sina Ella Cruz at Donnalyn Bartolome, at kontrabida nila sa pelikula si Carlyn Ocampo na nawalan ng malay sa loob ng kalahating oras dahil sa intense fight scene nila.


“She really fell unconscious sa fight scene nila for thirty minutes, and I thought talaga na akala ko, tatakbo na ako ng ospital.

“It’s a major fight scene in the middle of the rain na ang daming elements like steel, apoy, weapon…

“And all of a sudden, when Carlyn tried to attack them [Donnalyn and Ella], talagang major na attack na, she just fell sa mud and we thought na parang, 'Ang ganda ng death scene, ah.'

“ And then, si Carlyn, hindi na tumatayo.

“Nag-panic na sila and we just like... ran.

“Silang dalawa, sina Ella at Donnalyn, nag-panic na talaga as in major panic.

“There are a lot of accidents talaga like nahulog sila sa floor, nahulog sa stairs, nadapa... maraming nag-sugat,” kuwento pa ni Direk Richard tungkol sa mga nangyari sa shooting ng Cry No Fear.

Bukod sa nahimatay si Carlyn sa shooting, muntik na raw malunod si Donnalyn sa eksena kunsaan tumalon siya sa swimming pool mula sa second floor ng isang bahay.

“Natakot na ako noon, e.

“Takot na nga ako na tatalon ako mula sa second floor, pagtalon ko, kinakabahan ako, umuulan...

“So kahit umaangat ako, hirap na hirap ako kaya humingi na ako ng tulong kay Direk,” pag-amin ni Donnalyn na malaki ang pasasalamat kay Ella dahil ito ang sumagip sa kanya mula sa pagkalunod.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN