Iya Villania, may bagong pakulo sa cooking show

Malapit nang magwakas ang 3rd Season ng Lip Sync Battle Philippines, ang musical-reality competition ng GMA-7.

Pero hindi ito nangangahulugang mababawasan na ang mga television assignments ni Iya Villania, dahil napapanood siya mula Lunes hanggang Biyernes bilang showbiz news anchor ng 24 Oras.

Mapapanood din si Iya sa magbabalik-telebisyong Home Foodie, ang cooking show nila ng kanyang asawang si Drew Arellano.


Eere ang Season 4 ng show ngayong June 11 pagkatapos ng Unang Hirit.

Makakasama nina Iya at Drew sa Home Foodie ang culinary center chefs ng San Miguel Purefoods, sina Chefs Llena Tan Arcenas, Martin Narisma at John Valley na makakatulong nila sa pagpapakilala sa televiewers ng “madali na, delicious pa,” o Madalicious Meals.

Ipapakita ni Iya sa Season 4 ng Home Foodie ang isa sa mga simple pero mahalagang aral na kanyang natutunan: ang wastong paghihiwa ng sibuyas para maiwasan ang pagkaluha.

“You use onions in almost everything that you cook.

“You don’t want to be cutting an onion for too long because it can make you cry.

“There’s also a certain way of cutting it so it doesn’t suddenly fall apart or slide and cause you to cut yourself.

“Learning how to cut an onion in different ways I think is very important,” pagmamalaki ni Iya tungkol sa kanyang trivial pero practical kitchen discovery.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN