Juan Ponce Enrile, tinawag na arogante si Kris Aquino

by Jojo Gabinete
Jun 11, 2018

Natatandaan ng Cabinet Files ang interbyu noon ni Kris Aquino kay former Senator Juan Ponce Enrile sa dating talk show niya sa ABS-CBN.

Isang privilege para kay Kris ang makapanayam si Enrile dahil pareho ang kaarawan nila, February 14, pero marami na ang nagbago mula noon.

Sina Enrile, Jess Aranza, at Al Tatel ang mga anchor ng Dito Sa Bayan ni Juan, ang public affairs and commentary radio program ng DZAR.


Continue reading below ↓

Sa recent episode ng Dito Sa Bayan ni Juan, ang controversial kiss ni President Rodrigo Duterte sa isang Filipina OFW sa South Korea at ang hamon ni Kris Aquino kay PCOO Assistant Secretary Mocha Uson ang tinalakay ni Enrile at ng kanyang mga kasama.

Tinawag ni Enrile na arogante si Kris dahil sa inasal nito at para idiin ang kanyang punto, binanggit niya ang lyrics ng 1968 hit song na "Those Were The Days."

“Ang napansin ko dun at with due respect, talo si Kris Aquino. Yung demeanor lang niya e nakakasuka e. Sa totoo lang, sabi niya, ‘Once more.’

“Sino ka [na] magsasabi ng once more? Sa publiko pa lang, talo siya. Arrogant…arrogance of power that has gone by…

“Those were the days my friend you thought will never end…” ang pahayag ni Enrile na isa sa mga nanguna noong February 1986 sa pagpapatalsik sa puwesto sa diktador na si ex-President Ferdinand Marcos kaya naging pangulo ng bansa si Cory Aquino, ang ina ni Kris.

Continue reading below ↓

Naglingkod si Enrile bilang Secretary of National Defense sa administrasyon ni Cory pero pinagbitiw siya sa tungkulin dahil nawala ang tiwala sa kanya ng first female president ng Pilipinas.

Malinaw na kinampihan ni Enrile sina Duterte at Mocha sa isyu ng controversial kiss dahil sa mga sinabi niya tungkol kay Kris.

“Ang maibabato ko kay Kris, no malice, no hatred, no emotion. You ask yourself, how many kisses have you received and how may kisses have you given?

“Isipin na lang ninyo, Duterte is the number one Filipino today. He’s the father of the nation. Ano ba naman yung yakapin niya, halikan niya yung kapwa niyang Pilipino, babae o lalake? Matanda o bata, pangit o maganda…

“Alam ni Kris ang difference between that kind of a kiss and yung kisses torrid na alam niya, di ba?

“Ang sasabihin ko, 'Kris, yung ginawa ni Presidente, hindi sexy kiss yun, pati yung kiss ni Quijano [Rebecca Quijano a.k.a. "The Crying Lady," ang saksi na nagsabi na nakita niya ang pagbaril ng isang sundalo kay dating Senador Benigo "Ninoy" Aquino, Jr. habang pababa ito sa hagdan ng eroplano) sa tatay mo, hindi sexy kiss pero yung kiss mo sa mister mo, sexy kiss yun…”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results