May kunek ba sa balitang pagtakbo ni Dingdong Dantes sa 2019 ang Amazing Earth?

by Jojo Gabinete
Jun 13, 2018

Dumayo si Dingdong Dantes at ang production staff ng Amazing Earth sa Verde Island sa Batangas dahil dito kinunan ang spiels niya para sa bagong documentary television program ng GMA-7 na mapapanood tuwing Linggo, simula sa June 17, 6:10 pm.


Si Dingdong ang host ng Amazing Earth at brilliant idea na mag-taping siya sa Verde Island dahil ito ang idineklara noong 2006 na Center of Marine Biodiversity in the World ng marine conservationists.

Continue reading below ↓

“Amazing" ang Verde Island dahil dito matatagpuan ang marami sa mga threatened species, ang sea turtles tulad ng olive ridleys at hawksbills, giant groupers, giant clamps, at humphead wrasses.


Isinusulong ng iba’t ibang conservation group na ideklara ng UNESCO (United Nations Educational Scientific and Cultural Organization) ang Verde Island bilang World Heritage Site.

Continue reading below ↓

Si Rico Gutierrez ang direktor ng Amazing Earth at siya ang tinanong ng Cabinet Files sa ilang impormasyon tungkol sa documentary show ni Dingdong.

Ayon kay Gutierrez, one season lang ang Amazing Earth pero nagbiro siya na umabot sana ng ten years ang programa.

“Maganda ang material dahil BBC show siya, bagay na bagay kay Dong. Nakaka-proud to be part of this show, hindi lang dahil sa content o material, pati na ang working with the team at kay Dong,” ang pahayag ni Gutierrez na itinanggi ang balita na may kinalaman ang Amazing Earth sa napapabalita na pagpasok ni Dingdong sa mundo ng pulitika sa eleksyon sa 2019.

“Walang kinalaman sa politics ang Amazing Earth. Best choice talaga si Dong for the project,” ang paglilinaw ni Gutierrez.

Read Next
Read More Stories About
Amazing Earth, Dingdong Dantes
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results