Erwan Heussaff, isosoli ang talent fee sa Buhay Carinderia

Kinumpirma ng isang insider na ibabalik ni Erwan Heussaff sa Tourism Promotions Board ang talent fee niya bilang Pinoy food tourism ambassador at content creator ng Buhay Carinderia… Redefined, ang controversial project ng TPB noong nasa ilalim pa ito ng pamumuno ni Cesar Montano.


Sinabi ng Cabinet Files source na mahigit sa isang milyong piso ang talent fee na ibabalik ni Erwan.

Nadamay si Erwan sa kontrobersiya ng Buhay Carinderia… Redefined dahil siya ang celebrity ambassador ng TPB project na may budget na P320 million.

Dumalo si Erwan sa grand launch ng Buhay Carinderia… Redefined na ginanap sa Rizal Park Hotel noong April 11, 2018.

Sa panayam kay Erwan sa naturang event, sinabi niyang may great purpose, great message, at great objective ang Buhay Carinderia.

Pero makalipas ang isang buwan, sinuspinde ng bagong pamunuan ng Department of Tourism ang proyekto dahil sa paratang na hindi ito dumaan sa “proper bidding.”

May mga pumuri sa pagsosoli ng talent fee ng asawa ni Anne Curtis, na gusto lamang makatulong sa promotion ng Filipino cuisine kaya tinanggap niya ang alok ng TPB na maging ambassador at content creator ng Buhay Carinderia…Redefined.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN