Chavit Singson, kinumpirmang hindi sa Pilipinas gaganapin ang Miss Universe 2018

Tinuldukan ni former Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson ang mga haka-hakang magaganap sa Pilipinas sa November 2018 ang 67th edition ng Miss Universe.


May karapatan at nasa posisyon si Singson para pabulaanan ang balita dahil may business deal pa rin sila ng Miss Universe Organization.

As a matter of fact, kasama siya ni Paula Shugart, ang presidente ng Miss Universe Organization, nang magpunta ito sa China, isa sa mga bansang napipisil para pagdausan ng Miss Universe 2018.

"Ang Miss Universe, kasama ko sila, ibinibigay sa akin, kasama ko sila sa China, nag-inspeksyon, lahat, so ever since, sinabi ko na, hindi puwede dito sa Pilipinas.

"Sa China, wala pang ano sa China, live show ever since.

"So, hindi puwede sa China, sabi ng China government, puwede sa Macau.

"Ang pagpipilian lang, Macau or Korea," pahayag ni Singson.

Sinabi ni Singson na malaki ang posibilidad na sumali sa Miss Universe 2018 ang North Korea dahil sa mga recent positive development, tulad ng pakikipagkasundo ng North Korea Supreme leader Kim Jong-un sa South Korea at sa Amerika.

"They [Koreans] are very much interested at kapag doon ginawa, North Korea will participate.

"Mas magaganda ang mga babae sa North Korea kesa South Korea, nakita ko, e," dagdag na pahayag ni Singson.

Kinumpirma ni Singson ang balitang hindi pa siya binabayaran ng ibang mga investor na nakisosyo sa 65th edition ng Miss Universe na ginanap sa Mall of Asia Arena noong January 30, 2017.

"Awa ng Diyos, hindi pa rin ako bayad. Ayokong magbanggit pero malaking company.

"Meron pang balance, maraming rason, so anyway...

"I don’t want to name names, pero alam nila iyan. Marami pa ring kulang.

"Meron pa akong hindi nasingil na more than one hundred million pesos, two million dollars...

"Mahirap magbanggit... mga kaibigan ko pero I don’t think [aabot sa legal action].

"Nakikipag-usap pero pareho rin ang rason, so hindi ko naman minamadali.

"Sigurado naman iyan magbabayad kaya lang delayed," ang umaasa na sabi ni Singson.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN