Sancho delas Alas at Shanna Retuya, nagdesisyong gawing mas simple ang kanilang kasal

May mga pagbabagong magaganap sa church wedding ni Sancho delas Alas at ng kanyang fiancée na si Shanna Retuya.


Tuloy na tuloy ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa December 10, 2018 pero magaganap ito sa Santuario de San Jose sa Greenhills, Mandaluyong City, hindi na sa original plan na Christ The King Green Meadows Church.

Balak nina Sancho at Shanna na idaos ang wedding reception nila sa bagong restaurant na bubuksan ni Ai-Ai delas Alas sa Ayala Mall Cloverleaf, hindi na sa isang popular events place.

Sinabi ni Sancho na kung susundin ang original plan, aabot sa dalawang milyong piso ang budget dahil sa venue pa lang ng wedding reception, P200,000 agad ang ibabayad nila.

Napagdesisyunan ng dalawa na gawing simple ang kasal dahil mas mahalaga ang basbas ng simbahan sa pagsasama nila, kaya ang kanilang pamilya at malalapit na kaibigan na lang ang mga imbitado.

Nagiging praktikal lamang sina Sancho at Shanna kaya ayaw nila ng kasalang magarbo.

Nabanggit ni Sancho na nangako ang kanyang ina na tutulong sa mga gastos at na-appreciate niya ang alok ng nanay niya, pero gusto pa rin nila ni Shanna na magtipid.

Maganda ang ibinigay ni Sancho na katuwiran na ang marriage at ang pamilya na bubuuin, hindi ang kanilang wedding ang pinaghahandaan nila ni Shanna.

Postscript: Nakausap namin si Sancho sa Chang Ai Express, ang venue ng presscon ng Kami Ang ExB, ang 1st anniversary concert ng Ex Battalion, kagabi, June 14.

Kapag walang taping si Sancho para sa Ang Probinsyano ng ABS CBN, siya ang chef on duty sa kanilang family-owned restaurant.

Regular na nakikita si Sancho sa Farmers Market dahil dito siya bumibili ng mga manok, baboy, at gulay na kailangan sa restaurant nila.

Hands on si Sancho sa pamamahala sa kanilang restaurant kaya siya mismo ang nagpupunta sa palengke.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN