Bb. Pilipinas-Intercontinental 2018 Karen Gallman, engaged na sa kanyang Aussie boyfriend

Engaged na si Bb. Pilipinas-Intercontinental 2018 Karen Gallman sa kanyang Australian boyfriend na si Ian Garton.

Si Karen ang official delegate ng Pilipinas sa 47th edition ng Miss Intercontinental, pero hindi pa ito nagaganap kaya ikinagulat ng Filipino beauty pageant enthusiasts ang announcement niya.


“WE ARE ENGAGED!

"Two weeks today, the love of my life asked me to marry him… I said YES of course.

"Thank you for making me the happiest girl on the planet, I am so blessed to have you in my life.

"I love you will all my heart," ang public announcement ng 25-year-old beauty queen, na sinubukang mag-artista noong 2013 at napanood sa indie movie na Bad Romance.

Si Karen ang ikalawang Binibining Pilipinas 2018 beauty title-holder na tinanggap ang alok na kasal ng boyfriend niya, dahil engaged na si Bb. Pilipinas-Supranational 2018 Jehza Mae Huelar sa basketball player boyfriend nitong si Peter June Simon nang manalo siya ng korona noong March 18.


Sa interview noon ng Cabinet Files kay Huelar, ipinagtapat nitong hindi muna matutuloy ang planong pagpapakasal nila ni Simon dahil tatapusin muna niya ang kanyang mga obligasyon bilang beauty queen.

Nangyari noong New Year’s Eve ang proposal ni Simon kay Huelar, na nagpapasalamat sa pagkakaroon ng very supportive at understanding fiancé.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN