Eat Bulaga! concert ni Maine Mendoza with Broadway Boys, nag-trending!

Nag-trending worldwide ngayong hapon, June 16, ang concert ni Maine Mendoza at ng Broadway Boys sa Eat Bulaga! dahil umabot sa 1.12 million and still counting ang tweets tungkol sa kanilang performance.


Ang mga kanta na pinasikat ng The Carpenters ang inawit ni Maine at ng Broadway Boys sa Dabarkads Concert Series ng Eat Bulaga!

Mainit ang naging pagtanggap ng televiewers sa singing talent na ipinakita ni Maine kahit aminado ito na hindi siya singer pero nasa tono naman ang pagkanta niya.

“Nairaos!!!" ang reaksiyon ni Maine pagkatapos ng concert nila ng talented members ng Broadway Boys.

Bago kumanta si Maine, humataw na sa isang milyon ang bilang ng tweets tungkol sa concert nila ng Broadway Boys kaya nagpasalamat siya sa supporters niya.

“Sana magustuhan niyo, pero sana hindi niyo ako itakwil kapag nagkalat ako,” ang mensahe ni Maine sa kanyang mga tagahanga.

Hanggang ngayon, reluctant actress pa rin si Maine, kahit napatunayan nito na may talent siya sa dubsmash, pag-arte, mapa-drama o comedy, pagsayaw, at pagkanta.

Kaya naman, nakuha niya ang respeto ng fans na saludo sa kanyang humility, isang ugali na nawala sa ibang mga young star na kasabayan niya na biglang lumaki ang ulo nang makatikim ng popularity.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN