Edu Manzano, pass muna sa Miss Manila 2018 hosting gig

Sina Xian Lim at Yassi Pressman ang mga hosts ng Miss Manila 2018 coronation night na magaganap sa June 26 sa PICC Plenary Hall.

Ang Miss Manila 2018 ay joint project ng City of Manila at ng MARE Foundation Inc. na pinamumunuan ni Jackie Ejercito.

Ang naturang pageant ay ni-revive ni Manila Mayor Joseph Estrada noong 2014.

Tiyak na mami-miss ang presence ni Edu Manzano sa Miss Manila 2018 dahil siya ang host ng pageant nights nito mula 2014 hanggang 2017.

Reportedly, si Edu pa rin ang gusto ng organizer na maging host ng pageant this year, pero may conflict ito sa schedule niya.

Si Edu ang gumaganap bilang si vice president Lucas Cabrera sa Ang Probinsyano, ang primetime series ng ABS-CBN, at pinupuri ang mahusay na pagganap niya dito.

May nagsabi sa Cabinet Files na ang challenging role ni Edu sa Ang Probinsyano ang dahilan kaya hindi muna siya tumatanggap ng movie assignments.

Gusto raw niya kasing mag-concentrate muna sa karakter na kanyang ginagampanan sa primetime teleserye na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Trivia: Si Edu ay ninong sa binyag ni Sancho delas Alas, anak ni Ai-Ai, kaya gusto ni Sancho na kunin si Edu bilang ninong sa kasal.

Ikakasal si Sancho at ang kanyang non-showbiz fiancée na si Shanna Retuya sa December 10.

Magkasama sina Sancho at Edu sa Ang Probinsyano pero nahihiya pa si Sancho na sabihin sa kanyang ninong ang pakay niya.

May posibilidad na matagalan pa ang pagsasama nina Edu at Sancho sa Ang Probinsyano dahil may balitang mapapanood pa rin ito hanggang sa susunod na taon.

Nag-umpisa na mapanood sa Kapamilya Network ang drama action television series ni Coco noong September 28, 2015, at mula noon ay maraming beses na itong nabigyan ng extension dahil sa mataas na rating.

May biruan nga na Ang Probinsyano ang tunay na “fantasy series” dahil halos tatlong taon na ito sa telebisyon at imortal na ang karakter ni Coco, si Ricardo “Cardo” Dalisay, na hindi matalu-talo o mapatay ng kanyang mga kriminal na kalaban.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN