Kuwento ng pelikulang Loving Pablo, maihahalintulad sa war on drugs ni Pres. Duterte

Disturbing ang kuwento ng Loving Pablo dahil nangyayari sa Pilipinas ang mga eksena na napanood namin sa pelikulang pinagbibidahan ng real-life couple na si Javier Bardem at Penelope Cruz na ipalalabas sa Philippine cinemas sa June 20.

Halaw ang kuwento ng Loving Pablo sa Loving Pablo, Hating Escobar, ang best-seller memoir na isinulat noong 2007 ng popular Colombian journalist at television personality na si Virginia Vallejo na ex-lover ni Pablo Escobar, ang notorious Colombian drug lord at narcoterrorist na binansagang King of Cocaine.


Pinatay si Escobar ng Colombian National Police noong December 2, 1993, pero hanggang ngayon, buhay na buhay pa rin ang kanyang alaala dahil sa Narcos, ang Netflix series tungkol sa life story niya na sinusubaybayan ng milyun-milyong manonood sa buong mundo.


Makaka-relate ang mga Pilipino sa kuwento ng Loving Pablo dahil walang ipinagkaiba ang plot nito sa war on drugs ng pamahalaan ni President Rodrigo Duterte.

Si Javier ang producer ng Loving Pablo at siya rin ang gumanap sa title role bilang si Pablo Escobar.

Nabigyan ni Javier ng hustisya ang kanyang dream role dahil bukod sa nagpataba talaga siya, pinag-aralan niya ang mga kilos at pananalita ng pinatay na drug lord.

Hindi rin nagdalawang-isip si Javier na tumakbo ng hubo’t hubad sa eksena kunsaan tinutugis siya ng mga pulis.

Si Penelope naman ang gumanap with flying colors bilang si Virginia Vallejo na 69 anyos na sa kasalukuyan at naninirahan sa Miami, Florida.

Napilitan si Vallejo na umalis sa Colombia dahil sa mga natatanggap niyang mga banta sa kanyang buhay na bunga ng pakikipagrelasyon niya kay Escobar at sa nalalaman niyang mga sikreto nito.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN