"Sugod Bahay" winner ng Eat Bulaga, maipapalibing na ang nakaburol na anak

Naging madamdamin ngayong hapon, June 18, ang madalas na funny episode ng "Juan for All, All for Juan" ng Eat Bulaga! dahil nagluluksa ang "Sugod Bahay" winner na si Leny Feliciano ng Calumpit, Bulacan.


Apektadong-apektado ang mga host ng Eat Bulaga, lalo na si Vic Sotto, sa interview nina Jose Manalo, Paolo Ballesteros, at Maine Mendoza kay Leny dahil hindi nito maipalibing ang kanyang 16-year-old son sa namatay noong June 14.

Kidney illness ang ikinamatay ng anak ni Leny na nakaburol pa rin at hindi maihatid sa huling hantungan dahil sa kawalan ng pera.

Iyak nang iyak ang "Sugod Bahay" winner habang pinasasalamatan nito si Vic at ang Eat Bulaga! dahil maipapalibing na rin niya sa wakas ang kanyang anak.

Dahil sa heartbreaking story ni Leny, na isang labandera at umeekstra lang na tricycle driver ang asawa, hindi napigilan ng studio audience, lalaki at babae, ng Eat Bulaga! na mapaiyak.

One hundred thousand pesos ang cash money na ibinigay ng Eat Bulaga! kay Leny, na tuwang-tuwa dahil may pampalibing na siya sa kanyang anak na katulong niya sa paghahanap-buhay noong nabubuhay pa.

Bukod sa cash prize, may ibang premyong ipinagkaloob kay Leny ang Eat Bulaga.

Pinayuhan din ni Vic na ipagamot ng "Sugod Bahay" winner ang bunsong anak nito na may karamdaman sa spinal cord.

Postscript: Hindi lamang ang mga host at studio audience ng Eat Bulaga! ang napaluha sa Monday episode ng "Juan for All for Juan" dahil pinaiyak din nito ang televiewers na nagpapasalamat sa Diyos dahil si Leny ang napili bilang winner.

Pinuri ng mga manonood ang Eat Bulaga! dahil sa pagbibigay ng tulong at bagong pag-asa sa mga kababayan nating kapus-palad.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN