Ella Cruz at Donnalyn Bartolome, ikinumpara sa apoy at yelo ni Direk Richard Somes

by Jojo Gabinete
Jun 18, 2018

Ngayong gabi, June 18, ang red-carpet premiere sa SM Megamall Cinema 7 ng Cry No Fear, ang biggest break ng Internet sensation na si Donnalyn Bartolome.

Ayon sa direktor ng Cry No Fear na si Richard Somes, hindi na siya naghanap ng ibang magbibida sa pelikula nang makilala niya nang personal si Donnalyn at ang co-star nitong si Ella Cruz.


Continue reading below ↓

“Meeting them personally, sobrang na-excite na ako because I can feel their energy.

"They have the raw talent na puwede talagang mapiga, and what excite me the most in terms of physicality, they look so fragile and petite.

"I even described them as both fire and ice.

"Si Ella, parang fire. Yung energy niya talaga, controllable na alam mong puwedeng hawakan pero hindi matagal dahil mainit.

"Si Donna naman, ice, kasi siya yung nagkokontrol ng moment, ng emotions, yung temper niya,” sabi ni Somes.

Kapwa nagpapasalamat sina Donnalyn at Ella kay Somes at sa Viva Films dahil ipinagkatiwala sa kanila ang emotionally, mentally, and physically challenging roles sa Cry No Fear.

Sabi ni Donnalyn, "Gusto ko talagang gawin ang Cry No Fear.

"Ang hirap naman kasi na nakikita ka ng mga tao na puro pa-cute ka lang. Hindi naman puwede yun.

"Kailangang ipakita mo sa kanila na may iba ka na kayang gawin."

Continue reading below ↓

Literal na kumain ng putik si Donnalyn sa gitna ng malakas na ulan sa fight scene na ginawa niya para sa Cry No Fear.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results