EXCLUSIVE: Jewel May Lobaton, tatlong taon nang hindi nakikita ang mga anak kay Sen. Koko Pimentel

by Jojo Gabinete
Jun 20, 2018

Ramdam namin ang katatagan ng pagkatao at kapayapaan sa puso ni Bb. Pilipinas-Universe 1998 Jewel May Lobaton nang ipagtapat nito sa Cabinet Files na tatlong taon na silang hindi nagkikita at walang komunikasyon ng dalawang anak nila ni former Senate President Koko Pimentel.


Medyo namula ang mga mata ni Jewel pero pinigilan nitong pumatak ang kanyang mga luha dahil sa pangungulila sa mga anak niyang lalaki na may edad na 14 at 9.

Continue reading below ↓

Nang sabihin naming hindi nagkakalayo ang karanasan nila ni Jackie Forster na matagal ding nangulila sa mga anak na sina Andre at Kobe, sinabi ng former beauty queen na iba ang kaso niya dahil mas "powerful" ang kanyang ex-husband kung ikukumpara kay Benjie Paras.

“A little bit different than her because… hindi naman ganoon ka-powerful si Mr. Paras. It’s really different in my case.

"My sons are with him [Senator Koko]. My son, the first one is 14 years old, the second one is nine years old.

"I’m just waiting for the divine time," ang pahayag ni Jewel, na open book sa publiko ang personal na buhay kaya wala na siyang dapat itago.

Ilang taon mo nang hindi nakikita ang mga bata?

Sagot ni Jewel, "Three years, but it’s okay. I mean, it’s not okay, but…

"There is a custody case. I’m not anymore minding the hearing.

Continue reading below ↓

"My children will look for me and it’s my prayer to the Lord.

"When you invest love to your children, you will get love from them. I love them, they know that.

"I’m waiting for the time that we will be one again, like a modern family, I can talk to the future wife, Kathy, and Koko, and the kids."

Si Kathy o Kathryn Yu ang partner ng senador.


Continue reading below ↓


Hindi ba puwedeng magpatawad si Senator Koko?

"That I cannot control.

"What I can control is myself, and now, I am very happy with my life and, at the same time, have forgiven anyone who has caused me pain and, I guess, I’m moving forward.

"My children are my children, no matter what. They will look for me… they will look for me…

"Ever since, gumagawa ako ng paraan. But there’s a God who watches so we will see."

Hanggang kailan ka maghihintay?

Sagot ni Jewel, "Hanggang kaya. I just believe they’re my children.

"They love me and I love them so, one day, they will come to me and I’m praying for that."

Noong Linggo, Father’s Day, nagpadala si Jewel ng Father’s Day greeting kay Senator Koko, pero hindi siya nakatanggap ng sagot.

Ayon kay Jewel, "Last Father’s Day, I sent him a greeting.

Continue reading below ↓

"Hindi naman siya sumagot, but I know that he read it.

"I sent him a Father’s Day greeting because I never have placed anything negative in my heart towards him. Wala."

May awa ka pa bang nararamdaman para sa sarili mo dahil sa mga nangyayari?

"No more na. I passed that stage already.

"I have gained my confidence and I have already entrusted everything to God.

"This is what's happening right now so accept it and be thankful.

"Matatag ako ngayon, I can possibly say that it is possible to love genuinely anybody because I have done it.

"I can love any of them, especially those who avert me.

"I loved them that’s why you cannot hear anything bad that I would say.

"Never akong nagkaroon ng hatred sa puso ko. There were pains but no hatred.

"The Lord has always been good, been great and been gracious to me, and I am so thankful.

Continue reading below ↓

"Life is like that, you cannot really orchestrate things the way you want it.

"If it happens like this, this is what the will of God is, accept it, and then I just pray for forgiveness for the other side, kasi tapos na ako, forgiven na ako."

Nakatakdang muling magpakasal si Senator Koko sa fiancée nitong si Kathryna Yu sa October 2018 kaya hiningi ng Cabinet Files ang reaksiyon ni Jewel.

Saad niya, "You know, I’m praying for that, that he would be able to finally find someone who can accept, love, and support him in everything he does, so I know it will come and I’m good with that.

"I wish them well."

Si Jewel ang project coordinator ng Miss Manila mula nang i-revive ito ni Manila City Mayor Joseph Estrada noong 2014.

Nakausap siya ng Cabinet Files sa press presentation ng Miss Manila 2018 na ginanap sa Centennial Hall ng Manila Hotel kahapon, June 19.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
cabinet files
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results