Erap, tatakbo ulit sa 2019; conservative na kandidata, sumali sa Miss Manila 2018

Kinumpirma ni Manila City Mayor Joseph Estrada sa press presentation ng Miss Manila 2018 sa Manila Hotel kahapon, June 19, na kakandidato pa rin siya bilang alkalde ng nasabing lungsod sa 2019 elections.

"I’m still young," seryosong pahayag ng 81-year-old actor turned public servant.


Ipinagmalaki rin niyang magaganda ang mga Manileña at ang 32 official candidates ng Miss Manila 2018.

As expected, sumali na sa ibang mga beauty contest ang ilan sa mga kandidata ng Miss Manila 2018, gaya ni Agatha Lei Romero na official candidate at Top 25 sa 55th edition ng Binibining Pilipinas noong March 18, 2018.

Nakaw-eksena naman si Candidate No. 26 Julie Ann Forbes dahil siya lamang ang kakaiba ang damit sa press presentation.


Nang tanungin, sumagot siya ng: "Conservative po ako, at the same time, very classic like Manileñas, very conservative, pero we are empowered and has the courage to stand in front of you and willingness in our heart."

Sina Xian Lim at Yassi Pressman ang mga host ng grand coronation night ng Miss Manila 2018 sa PICC Reception Hall sa June 26, at mapapanood ito sa ABS CBN sa July 1.

Special performers sina Sarah Geronimo, Billy Crawford, James Reid, Nadine Lustre, at ang Ex Battalion.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN