Marian, mas type ang Yan at Dong na tawag sa kanila ni Dingdong kesa royal couple

"Royal Couple" ang label kina Marian Rivera at Dingdong Dantes ng GMA-7.

Pero sa first anniversary presscon ng Tadhana, sinabi ng aktres na mas gusto niyang Yan at Dong lang ang itawag sa kanila—isang pruweba na nakaapak pa rin sa lupa ang mga paa niya.


Hindi rin nag-request si Marian ng holding area bago nagsimula ang presscon kahapon, June 19, ng weekly drama anthology niya sa GMA-7 dahil dumiretso agad siya sa venue, ang 17th floor ng GMA Network, Inc.

Tungkol sa mga tunay na karanasan ng mga OFW ang napapanood sa Tadhana.

Perfect host si Marian ng programa dahil alam niya ang pakiramdam ng mga anak na napapalayo mula sa kanilang mga magulang bilang naranasan ng kanyang inang magtrabaho sa ibang bansa.

"Malaking factor talaga na kapag umuuwi sila, na-appreciate mo sila, ipinapakita mo sa kanila na pinapahalagahan mo sila.

"At the same time, kahit nasa ibang bansa sila, dapat hindi tayo makalimot na i-text sila, kumustahin sila dahil malaking bagay yun sa kanila.

"May mga nainterbyu ako na OFW, isang text lang na 'Papa, miss ka na namin. I love you,' talagang mararamdaman mo at makikita mo ang appreciation niya,” sabi ni Marian.

Bida si Marian sa anniversary episode ng Tadhana na mapapanood sa darating na Sabado, June 23.

Si Dingdong ang direktor ng special episode.

Sa tanong kung sino naman ang direktor sa bahay nila, "Siyempre siya [Dingdong] dahil siya ang padre de pamilya," ang sagot ni Marian.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN