Bong Revilla, ginugunita ang ika-apat na taon sa piitan; umaasa pa ring makamit ang hustisya

by Jojo Gabinete
Jun 20, 2018

Apat na taon na ang nakalilipas mula nang makulong si former Senator Bong Revilla Jr. noong June 20, 2014 sa PNP Custodial Center ng Camp Crame dahil sa pagkakasangkot niya sa PDAF scam.


Ginugunita ngayon ni Revilla ang anibersaryo ng kanyang pagkakapiit.

Naging matapat siya sa paglalahad ng saloobin, lalo na ang sobrang pagod na nararamdaman dahil walang katiyakan kung kailan siya makalalaya.

Continue reading below ↓

Mababakas sa pahayag ni Bong ang sobrang kalungkutan dahil hindi na maibabalik ang apat na taong nagdaan:

"Today is exactly my 4th year in prison. This is 4 years away from my family; missing out on the milestones of my children’s lives; 4 long years that I can no longer get back.

"May mga panahon na dumating sa akin na talagang gusto ko na sumuko. Pagod na rin po ako. Pagod na pagod na...

"Ganunpaman, higit akong kumukuha ng lakas ng loob sa inyo at ibayong tiwala sa Panginoon na matatapos na rin naman lahat nito.

"Dalangin ko pa rin ang katarungan. Dasal ko pa rin na mangibabaw na ang katotohanan. Hangad ko na sana, sa wakas, makamit ko ang hustisya.

"Let us all continue to pray together! God is good!" ang hindi nawawalan ng pag-asang sabi ni Bong.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Bong Revilla
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results