Nadine Lustre, tatlong leading men ang ipinalit kay James Reid sa bago niyang pelikula

by Jojo Gabinete
Jun 20, 2018

Ginanap ngayong hapon, June 20, sa Viva Films board room ang story conference ng Ulan, ang movie project na pagbibidahan ni Nadine Lustre.

Si Irene Villamor ang direktor ng Ulan.

Siya rin ang scriptwriter ng kuwentong unang isinulat niya noong 2005, pero nagkaroon ng mga revision para maging akma sa kasalukuyang panahon.

Sina Xian Lim, Marco Gumabao, at AJ Muhlach ang leading men ni Nadine.


Continue reading below ↓

Ulan stars Xian Lim, Nadine Lustre, Marco Gumabao, and AJ Muhlach

Tumanggi si Nadine na magkuwento tungkol sa karakter na gagampanan dahil baka masabi niya ang lahat.

Sabi niya, "We're really excited, working with everyone.

"This is my first time to work with Xian Lim and Marco Gumabao.

"Actually, itong project na ito, last year pa kami nag-meet.

"Yung story talaga, gustung-gusto ko siya. It's more on self-love kasi. I'm a huge advocate of self-love.

"Maraming pagbabago na mangyayari sa character ko because of the experiences."

Natawa si Nadine sa opinyong baka makaranas siya ng separation anxiety dahil hindi ang kanyang boyfriend na si James Reid ang love interest niya sa Ulan.

Sabi niya, "Hindi naman. It's healthy to be able to work separately so we can both grow together and then, at the same time, grow separately.

"Parang bago siyang stepping stone para sa akin kasi nga, this time, hiwalay na nga kami ni James, so dito ko talaga malalaman kung kaya ko ba na wala siya.

Continue reading below ↓

"Actually lahat ng JaDine fans, sobrang excited sila sa Ulan.

"Talagang ngayon pa lang, sumusuporta na sila.

"At sa fans nina Xian at Kim Chiu, sana sumuporta po kayo.

"Sobrang excited po kami sa project na ito and I'm sure, magugustuhan ninyo."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results