Xian Lim, lumublob sa putikan at nagalusan sa Scotland

by Jojo Gabinete
Jun 21, 2018

Grateful si Xian Lim dahil kahit busy siya sa kanyang mga project at biglaan ang pagpapaalam niya, pinayagan siya ng Viva Artists Agency na umalis ng bansa at sumali sa Tough Mudder.


Ang Tough Mudder ay ang endurance event series na ginanap noong June 16, 2018 sa Drumlanrig Castle, Thornhill, Dumfries & Galloway, Scotland.

Continue reading below ↓

Ang Color Manila Run, isang concept-type sports event company, ang pumili kay Xian bilang ambassador ng Tough Mudder Philippines at nagpadala sa kanya sa Scotland.

Nang sabihin ng Color Manila people kay Xian na tatakbo lang ito sa Tough Mudder Scotland, hindi na siya nag-research dahil sanay na ang aktor na sumasali sa mga fun run.

Nang dumating si Xian sa venue, saka niya nalamang hindi normal na pagtakbo ang gagawin dahil nakalublob sa putikan ang mga participant.


Continue reading below ↓

Kuwento ni Xian, “That day ng race, hindi nag-sink sa akin na ang lamig-lamig pala ng putik. Siguro ang weather doon, 7 degrees.

"I had to run 16 kilometers na basang-basa ng putik and, I think, that’s part of the challenge.

"I mean, nag-e-exercise naman ako with the knowledge na lagi akong pumupunta sa gym at kaya ko, pero kailangan pala na mentally tough ka.

"Anyone can do it, pero I think it’s a sport na kailangan ng tulungan.

"After the race, sinasabi ko sarili ko while running, 'Bakit ko ito ginagawa?' Ang hirap e.

"Hindi naman sa normal na buhay natin, kailangan nating sumuot sa putik, lumublob.

"It’s something na hindi mo talaga gagawin. It’s something na kakaiba."

Patuloy niya, "At first natatakot ako, maraming questions kung kaya ko ba, ano ba talaga yung pinapasok ko.

"But afterwards, pagkatapos ko lumublob sa putik, after ng lahat ng hirap, may satisfaction na kaya ko pala.

Continue reading below ↓

"Puro galos ako sa balikat kasi nahulog ako, puro bato.


"Hindi naman mangyayari yun kung maingat ka. Kung hindi ka magulo.

"Magulo kasi ako, natumba ako, but it’s something for everyone, for family and friends.

"Wala siyang place, walang podium, walang time. It’s more of a camaraderie," ang pagbabahagi ni Xian tungkol sa nangyari sa kanyang pagsali sa Tough Mudder Scotland.

Continue reading below ↓

Itinuturing daw niya itong humbling experience.

"Humbling experience dahil hindi mo ito magagawa nang sa sarili mo lang.

"Sinabi ng event host sa lahat na you’re probably coming in here thinking that you can do this on your own, pero ang message ng buong run, kailangan mo ng ibang tao to help you.

"You cannot do it on you own," ang sabi ni Xian tungkol sa kanyang unforgettable experience sa Scotland.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Xian Lim
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results