Susan Roces, ayaw magpaalipin sa social media; ipinagmamalaking walang ipinaretoke sa kanyang mukha

by Jojo Gabinete
Jun 22, 2018

Kung active sa social media si Robin Padilla, walang Facebook account ang movie queen at veteran actress na si Susan Roces dahil sa simpleng reason niyang hindi siya “techie.”


Marami ang mga word of wisdom na narinig ang Cabinet Files mula kay Susan bago naganap ang pirmahan ng renewal ng kontrata niya bilang celebrity ambassador ng RiteMED kahapon, June 21.

Continue reading below ↓

"I’m open to anything new but I don’t want to be a slave,” ang isa sa mga meaningful and powerful statement ni Susan nang mapag-usapan ang social media.

Ayon kay Susan, nawala na ang "personal relationship" ng mga tao dahil sa social media.

Dati-rati, nakakatanggap pa si Susan ng sulat at litrato mula sa mga kaibigang naninirahan sa ibang bansa.

Pero ngayon, nakakarinig siya ng "Tingnan mo na lang sa Facebook" kapag gusto niyang makita ang larawan ng mga bagong miyembro ng pamilya.

Seventy-seven years old na si Susan sa birthday nito sa July 28, at maipagmamalaki niya na walang inayos sa kanyang mukha.

Walang make-up si Susan nang dumalo sa thanksgiving presscon at contract signing niya kaya lutang na lutang ang kanyang natural beauty.


Continue reading below ↓

Ang limitadong pagkain ng mga dairy product ang isa sa mga beauty secret ni Susan, at ang pagtikim lang sa mga pagkain ang paraan ng pagda-diet niya.

Isang malakas na halakhak ang pinakawalan ni Roces nang tanungin tungkol sa mga beauty secret niya at nang may sumagot ng “ RiteMED.”

Year 2011 nang kunin si Roces bilang RiteMED ambassador, isang desisyong hindi pinagsisisihan ni Vincent Patrick Guerreo, ang general manager ng RiteMED dahil mula noon, nanguna na ito bilang unibranded na gamot dahil sa malaking tiwala ng mga Pilipino sa veteran actress at Reyna ng Pelikulang Pilipino.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results