Ice Seguerra, mapapakinabangan pa rin ang katawang babae sa kagustuhang magkaroon ng anak

Pinagkukumpara noon sina Aiza Seguerra at Charice Pempengco aka Jake Zyrus dahil sa desisyon ng huli na panindigan ang pagiging transgender man—sa isip, salita, gawa, at physical appearance.


Nauna lang si Jake dahil ngayon, sinusundan na rin ni ang kanyang mga yapak ni Aiza, na ngayon ay gusto nang makilala sa pangalang Ice Seguerra.

Sa guesting ni Ice sa Tonight with Boy Abunda ng ABS-CBN kagabi, June 21, kinumpirma ng dating child star na nagsimula na ito ng testhormone replacement therapy dahil hindi na siya maligaya sa kanyang female body.

"It’s so hard to wake up every day seeing that you are in this body, and alam mo yung pakiramdam na hindi naman ito dapat yun,” ang sabi ni Aiza tungkol sa kanyang katawan, na malaki ang naging bahagi ng pagkakaroon niya ng successful showbiz career noong child star pa siya.

Sinabi rin ni Ice sa talk show ni Boy Abunda na may plano pa rin sila ng kanyang misis na si Liza Diño na magkaroon ng sariling anak sa pamamagitan ng In Vitro Fertilization (IVF).


“Plano talaga namin na mag-IVF.

"Iha-harvest yung eggs ko tapos kapag na-inseminate na siya ng sperm ng sperm donor, ipa-plant kay Liza, hopefully makabuo,” rebelasyon ni Ice.

Mapapakinabangan pa rin ni Ice ang pagiging babae para matupad ang pangarap niyang magkaroon ng sariling anak, kahit hindi na siya masaya sa kanyang female body.

Trivia: Hindi na bago ang gagawin ni Ice dahil isa lamang siya sa mga libu-libong bilang ng mga trans man na nangangarap maging lalaki, kahit sa physical appearance man lang.

Ang Filipino-American na si Tracy Lagondino aka Thomas Beatie ng Hawaii ang isa sa mga sikat na transgender man na sumailalim sa gender reassignment surgery noong March 2002.


Kilala si Beatie bilang "The Pregnant Man" dahil siya ang nagbuntis sa pamamagitan ng artificial insemination at nagsilang sa kanyang tatlong anak, sa kabila ng pagiging transgender man niya.

Magkaiba ang paraan ng pagkakaroon ng anak nina Beatie at Aiza dahil sa kaso nito, ang kanyang misis na si Liza ang magbubuntis at magsisilang sa sanggol na pinaplano nila.

May mga humahanga at sumusuporta sa pasya ni Aiza na panindigan ang pagiging tunay na lalake.

Pero hindi nawawala ang mga tao na hinuhusgahan siya at nagpapaalaala sa kanya na magkaroon ng takot sa Diyos.

Ang Diyos ang lumikha sa ating lahat kaya tanging Siya ang may karapatan na maghusga sa gagawin ni Aiza.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN