Darren Espanto, pinanindigan ang It's Showtime guesting kahit may sakit

Kung kasalanan ang sintunado na pagkanta, “guilty beyond reasonable doubt” ang 17-year old singer na si Darren Espanto dahil sa bad performance nito sa duet number nila ni Jed Madela sa episode ng It's Showtime ngayong Sabado ng hapon, July 23.


Pero may valid reason at explanation si Darren: masama raw ang pakiramdam niya.

Kahit not feeling well, nagpakita ng professionalism si Darren dahil itinuloy pa rin nito ang guesting sa It’s Showtime.

Ang mga hit songs ni Basil Valdez tulad ng “Ngayon,” “Paano Ba Ang Mangarap?” at “Ngayon at Kailanman” ang ilan sa mga kinanta nina Darren at Jed sa noontime show ng ABS-CBN.

At dahil may sakit, nahirapan si Darren kaya hindi sinasadya na “na-murder” niya ang mga kanta ni Basil.



Maagap naman si Jed sa pagtatanggol kay Darren at pinayuhan din niya ang young singer na huwag pansinin ang mga basher.

“Don’t mind the bashers. They can never come close to Darren’s voice even if they were sick.

"Nag-iisa lang si D.

"It’s been more than a year since we last song together! Darren will always be one of my favorite singing partners,” pahayag ni Jed.

Pinatunayan din ni Jed na siya pa rin ang Undisputed Birit King dahil sa kanyang effortless na pagkanta at flawless na singing voice.

Nang sumali si Darren sa The Voice Kids Philippines noong 2014, siya ang hinulaang “heir apparent” ni Jed dahil parehong mataas ang timbre ng mga boses nila.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN