Jaclyn Jose, malungkot na di kapiling ni Andi sa kanyang birthday ang anak kay Jake

Bukas, June 25, ang 28th birthday ni Andi Eigenmann.

Pero napaaga ang birthday message ng nanay niya na si Jaclyn Jose para sa kanya.


Ramdam na may pinagdaraanan uli si Jaclyn, base sa mga Instagram post niya tungkol sa kaarawan ng kanyang panganay na anak.

"Pigilan mo sarili mo Jane. I tell Ellie to be kind and courageous. Mahal ko si Ellie. Frustration is my middle name, disappointment is my last name,” ang cryptic post ni Jaclyn.

May nararamdamang lungkot si Jaclyn dahil magdiriwang si Andi ng kaarawan na hindi kasama si Ellie.

Kasalukuyang nasa Singapore si Ellie para sa graduation ng kanyang ama na si Jake Ejercito.

Ikinuwento ni Jaclyn na first time magdiriwang ng birthday si Andi na hindi kapiling si Ellie, at pinahanga siya ng kanyang anak dahil sa katuwiran nito at pagkakaroon ng malawak na pang-unawa.

"1st time that you celebrated your b-day without Ellie, i ask you why?

"You said minsan lang mag- graduate si Jake, I can always have her more of my birthday.

"I agree to that. Ok lang kasi mas lalo mo ako pinapahanga sa pagmamahal mo kay Ellie.

"So proud of you for having levelheaded [sic]. Ingat lang anak sa dagat.

"Mas pinili mo na mapasaya si Jake sa grad nia and I so agree. basta madami ka pa b-day," ang sabi ni Jaclyn, na tila nakakalimot na minana sa kanya ni Andi ang pagiging matatag.


Halos magkasunod na nagtapos sa pag-aaral si Jake (Master’s Degree in Marketing) at ang kanyang kapatid na si Jacob, na nag-graduate sa Santa Clara University, Santa Clara, California noong nakaraang linggo.


Jake Ejercito with parents Mayor Joseph Estrada and former actress Laarni Enriquez


Jacob Ejercito with parents Mayor Joseph Estrada and former actress Laarni Enriquez

Dumalo sa graduation day ni Jacob ang kanyang mga magulang, si Manila City Mayor Joseph Estrada at ang former actress na si Laarni Enriquez, at ang mga kapatid niyang sina Jake at Jerika.


 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN