National Digital Arts Awards 2018, tumatanggap na ng entries

Magaganap sa November 2018 ang 5th National Digital Arts Awards (NDAA) kaya tumatanggap na ng mga entries ang Globaltronics Inc., ang game-changer sa mundo ng digital media at organizer ng award-giving body na may theme na “Driven by Design, Fueled by Passion, Empowering Today’s Digital Artist.”


Welcome na mag-submit ng artworks para sa anim na kategorya ng NDAA ang mga propesyonal, estudyante at artists na may edad na 14, pataas.

Ang Best Digital Short Movie, Best Drone Movie Experience, Digital Art in Print, Character Design, Best Website Design at Animation/Motion Graphics ang mga kategorya ng NDAA 2018.

Tatlong milyong piso ang halaga ng cash at prizes na naghihintay sa mga winning entries.

Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa pagsali sa NDAA 2018, maaaring makipag-ugnayan kina Tobias Miguel Bernardo (email: TM.Bernardo@jumpdigital.asia, 0917-8151108) at Moby Aragones (email: moses.aragones@jumpdigital.asia, 0998-8878870).

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN