Shanti Dope, tatanggalin na sa first anniversary concert ng Ex Battalion?

Kahit kasama na ang kanyang pangalan sa mga poster at publicity materias, nanganganib na mawala ang hip-hop/rap artist na si Shanti Dope sa lineup ng mga special guest sa Kami Ang ExB, ang 1st anniversary concert ng Ex Battalion na magaganap sa July 14 sa Ynares Sports Arena, Pasig City.


Isang taong malapit kay Shanti ang diumano’y nagbibigay ng problema dahil sa mga kundisyon na hinihingi niya.

Noong una, ayaw raw payagan si Shanti na mag-guest sa concert ng Ex Battalion dahil sikat na ang young hip-hop artist.

Isang back-to-back concert ng Ex Battalion at ni Shanti ang suggestion niya na hindi umubra dahil para sa anniversary concert ng popular hip-hop group ang imbitasyon.

Ngayong kasado na ang lahat para sa big show sa July 14, may bagong demand umano ang in-charge sa career ni Shanti—ang bigyan ito ng solo production number dahil ayaw niya na isama ang young performer sa grupo ng Ex Battalion.

Postscript. May meeting ngayon ang mga involved sa anniversary show ng Ex Battalion kaya malalaman kung aalisin na lamang si Shanti Dope sa lineup ng mga special guest para hindi na magkaroon ng mga aberya at problema.

Kung totoo man ang mga paratang sa mga namamahala sa career ni Shanti Dope, dapat mag-isip-isip sila habang hindi pa huli ang lahat.

Sa panahon ngayon ng modern technology at social media, pansamantala na lamang ang popularidad ng mga artista at singer dahil sa pagdating ng mga bago, mas bata, at mas magagaling.

Marami ang talented at sikat na sikat na mga performer, pero mabilis na nawawala dahil bukod sa mahirap na katrabaho, hindi sila mga team player.

Besides, hindi nag-iisa si Shanti Dope.

Marami ang katulad niyang mahusay at reliable na hip-hop at rap artist.


(From left) Ganzi, Dello, Curse One, and Flict-G

Nandiyan ang equally talented artists ng Vertical Brew Music—si Curse One na may Facebook followers na 2 million at winner ng Wish Music Awards 2018 para sa mga kategorya ng Wishclusive Collaboration of the Year, Videos of the Year, at Bronze Wishclusive Elite Circle.

Marami pa ang dapat na mapatunayan si Shanti Dope bago nito mapantayan ang mga achievement nina Flict-G at Dello.

Milyun-milyon ang viewers ng mga music video ni Flict-G na superstar ng Fliptop Battle League at kilala dahil sa kanyang hard-hitting bars sa Philippine rap battle scene.

May malakas na worldwide fan base si Dello, ang Rebuttal King of the Philippines na may accumulated 30 million views ang YouTube videos, 6 millions streams sa Spotify, at milyon-milyong digital downloads sa iTunes.

Lastly, handang-handa at naghihintay lamang ng big break si Ganzi, ang upcoming hip-hop artist na tinatapos ang kanyang college course na Bachelor of Music Business Management Major in Performing and Sound Production.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN