Gladys Reyes, mahal ng mga manonood kahit kontrabida ang role sa Inday Will Always Love You

by Jojo Gabinete
Jun 25, 2018

Kahapon, June 23, ang kaarawan ni Gladys Reyes.

Patuloy na umaani ng mga papuri ang aktres sa kanyang kontrabida role sa Inday Will Always Love You ng GMA-7.


Salbahe at nagpapahirap nang todo sa buhay ng karakter ni Barbie Forteza ang role ni Gladys sa prime time teleserye ng Kapuso Network.

Continue reading below ↓

Pero imbes na kamuhian, minamahal siya ng televiewers dahil alam nilang mabuting tao ang aktres sa tunay na buhay.

Kinilig at natuwa nang husto si Gladys nang malaman nitong nagugustuhan ng manonood ang performance niya sa Inday Will Always Love You.

Kasama na rin sa cast ng teleserye si Christopher Roxas.


Continue reading below ↓

Pero hindi package deal ang inclusion nito dahil talagang bumagay sa kanya ang role na “partner in crime” ng karakter ng misis niya.

Hindi si Gladys ang original choice bilang ina ni Derrick Monastero sa Inday Will Always Love You.

Si Glydel Mercado ang unang na-consider para sa naturang role pero may conflict sa schedule niya dahil kasali siya sa The Stepdaughters, ang afternoon drama series ng GMA Network Inc.

Kahit mukhang bata para gumanap na nanay ni Derrick, hindi nagkamali ang GMA News & Public Affairs sa pagpili kay Gladys na replacement kay Glydel dahil nabigyan niya ng justice ang kontrabida role na minamahal at hindi kinaiinisan ng televiewers.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results