Ai-Ai delas Alas, kinumpirmang tanggal na si Shanti Dope bilang guest sa Ex Battalion concert

Kinumpirma ni Ai-Ai delas Alas ngayong hapon, June 25, na hindi na kasali ang hip-hop artist na si Shanti Dope sa Kami Ang ExB, ang 1st anniversary show ng Ex Battalion sa Ynares Sports Arena sa July 14.


Si Ai-Ai ang manager ng Ex Battalion at may special participation din siya sa major concert ng mga alaga niya.

"You may not be able to control every situation and its outcome but you can control your attitude and how you deal with it.

"Life goes on and the show will push through and I promise and I will l see to it that the Ex Battalion will be in their best element and best performance,” ang statement na ipinadala ni Ai-Ai tungkol sa desisyon ng producer ng show, ang Four Entertainment Productions, na alisin si Shanti Dope sa lineup ng mga special guest.


Sinabi ni Ai-Ai na nawala man si Shanti Dope, may isang big star na special performer sa Kami ang ExB.

Pero hindi nakalagay ang pangalan ng mystery guest sa mga publicity at poster ng 1st anniversary concert ng Ex Battalion.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN