Fil-Aussie na si Kathleen Joy Paton, kinoronahang Miss Manila 2018; Jinggoy Estrada, first time nakadalo

by Jojo Gabinete
Jun 27, 2018

Ang reigning Miss Teen International 2017 na si Kathleen Joy Paton ang nanalo ng Miss Manila 2018 crown sa grand coronation night na ginanap sa Reception Hall ng Philippine International Convention Center kagabi, June 26.


Ang Miss Teen International ang annual at oldest beauty pageant para sa teenage girls na may edad na 14 hanggang 19.

Continue reading below ↓

Napanalunan ni Kathleen Joy ang Miss Teen International title sa beauty contest na ginanap noong September 23, 2017 sa Playhouse Theater ng Suan Lum Night Bazaar Hotel ng Bangkok, Thailand.


Filipina-Australian si Kathleen Joy na isinilang sa Boracay Island.

Siya ang kauna-unahang mestiza na nagwagi ng Miss Manila title dahil mga morena beauty ang mga nanalo mula nang i-revive ni Manila City Mayor Joseph Estrada ang nasabing beauty pageant noong June 2014.

Continue reading below ↓

First runner-up ni Kathleen Joy si Malka Shaver, second runner-up si Paulina Labayo, si Kristi Banks ang 3rd runner-up, at 4th runner-up si Agatha Lei Romero.

Miss Manila 2018 sidelights: First time ni former Senator Jinggoy Estrada na dumalo sa coronation night ng Miss Manila mula nang payagan siya ng Sandiganbayan noong September 16, 2017 na magpiyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sumuko si Jinggoy sa Camp Crame noong June 20, 2014 at June 24, 2014 nang idaos ang coronation night ng Miss Manila.

Mula nang ibalik ni Manila City Mayor Joseph Estrada ang Miss Manila noong 2014, hindi niya nakakalimutan sa kanyang welcome remarks na magbigay-pugay kay Doña Maria Marcelo Ejercito, na isang pre-war beauty queen.

Si Doña Maria ang ina ni Erap na Carnival Queen noong 1925.

Sina Vice Ganda, Alice Dixson, at Marco Gumabao ang celebrity judges sa Miss Manila 2018.

"Ganyan talaga," ang reaksiyon ni Marco sa affirmation noong June 22 ng Court of Appeals sa guilty verdict sa kidnapping case ng kanyang ama na si Dennis Roldan na nakakulong sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City mula pa noong August 2014.

Continue reading below ↓

Reclusion perpetua o life imprisonment ang hatol kay Dennis, pero hindi nawawalan ng pag-asa si Marco na darating ang araw na makalalaya ang tatay niya.

Hindi natuloy ang isang commitment kahapon ni Edu Manzano kaya kasama siya nina Xian Lim at Yassi Pressman bilang mga host ng coronation night.

"Kaibigan ng Maynila" ang introduction kay Edu dahil siya ang host ng Miss Manila mula pa noong 2014.

Nagpasalamat si Xian sa Cabinet Files dahil sa artikulong inilabas nito tungkol sa kanyang pagsali sa Tough Mudder na ginanap sa Scotland noong June 16, 2018.

Wala nang highlights ang buhok ni Xian dahil natapos na ang shooting niya para sa 20 Again, Miss Granny, ang unang movie team-up nila ni Sarah Geronimo.

Isa lamang si Xian sa iilang artistang marunong magpasalamat.

Mga performer sa Miss Manila sina Sarah Geronimo, Billy Crawford, James Reid, Nadine Lustre, at ang Ex Battalion.

May sagot sa mga nang-iintriga na hinakot ng Viva ang lahat ng mga artista nila sa Miss Manila dahil ang Viva Live! ang producer ng Miss Manila 2018.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results