John Lloyd Cruz, may malaking pelikulang nag-aabang sa kanyang pagbabalik-showbiz

by Jojo Gabinete
Jun 28, 2018

Hindi maitatangging si John Lloyd Cruz ang subject ng mga blind item tungkol sa aktor na gusto nang magbalik-showbiz kaya nagparamdam na siya sa mga taong nagpapatakbo ng acting career niya.


Walong buwan nang hindi active si John Lloyd sa showbiz mula nang magdesisyon siyang magpahinga noong October 2017.

Continue reading below ↓

May dalawang bersiyon ang mga lumalabas na blind item.

Una, tinanggihan umano ng network management ang pakiusap ng aktor na bigyan na ito ng mga assignment dahil handa na siyang magtrabaho.

Ang pangalawang version, pumayag umano ang management na pagbigyan ang hiling ng aktor pero kailangan pa nitong maghintay ng limang buwan.

Tanging si John Lloyd lamang ang makakapagbigay-linaw kung may katotohanan o kathang-isip lamang ang mga blind item.

Pero may nagparating sa Cabinet Files ng impormasyong may malaking pelikula ang Star Cinema na naghihintay sa availability niya dahil siya lamang ang puwedeng makapagbigay ng hustisya sa challenging role.

Dahil sa mga blind item na obvious na si John Lloyd ang tinutukoy, binabatikos siya at inaakusahang hindi niya napanindigan ang pasyang talikuran ang showbiz.

Ipinapaalala ng Cabinet Files sa haters at detractors ni John Lloyd na huwag nilang iksian ang kanilang mga memorya dahil "temporary" at hindi "permanent" ang pagkawala ng aktor sa entertainment industry.

Continue reading below ↓

Klarung-klaro ang press statement na inilabas ni Kane Errol Chua, ang head ng ABS-CBN Integrated Communications, noong October 6, 2017, and we quote:

"ABS-CBN and John Lloyd Cruz have agreed for him to take an indefinite leave of absence to attend to personal matters.

"John Lloyd Cruz will be taking a break outside the country and will return to ABS-CBN after his leave of absence."


Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results