Bong Revilla supporters, nanawagan para sa paglaya niya pagkatapos bumaliktad ng whistleblower

by Jojo Gabinete
Jun 29, 2018

Ang former movie reporter na si Portia Ilagan ang isa sa mga saksi sa pagluha kahapon, June 28, nina Senator Bong Revilla Jr. at Bacoor City Mayor Lani Mercado nang marinig ng dalawa ang testimonya ni Marina Sula, ang witness at whistleblower sa Priority Development Assistance Fund scam na ibinibintang sa dating senador.


Continue reading below ↓

Si Sula ang umupo sa witness stand ng First Division ng Sandiganbayan kahapon.

Dito niya ipinahayag na ang kapwa whistleblower na si Benhur Luy ang nakita niyang nameke sa mga pirma ni Bong sa mga endorsement letter para sa mga NGO ng businesswoman na si Janet Lim-Napoles.

Ayon kay Portia, "Maraming salamat po, Panginoon ko" ang tanging nasabi ni Bong nang marinig nito ang testimonya ng pagbaliktad ni Sula, ang testigo ng prosecution.

Continue reading below ↓


Dahil sa malaking twist na naganap kahapon, ang palayain na si Bong ang panawagan ng kanyang mga supporter para magwakas na ang apat na taong pagdurusa at pagkakulong niya sa PNP Custodial Center ng Camp Crame.

Natatandaan ng Cabinet Files ang anecdote na kung si Bong ang tatanungin, gusto nitong makalaya mula sa pagkakakulong dahil napatunayan ng korte na talagang inosente siya sa mga kasalanan na ibinibintang laban sa kanya, hindi dahil pumayag ang Sandiganbayan na maglagak siya ng piyansa para sa temporary freedom niya.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results