Habang lumalaki ang mga anak ng aktor, lalong lumalakas ang mga hinala na hindi siya ang biological father ng mga bata dahil malayung-malayo sa isa’t isa ang mga hitsura nila.
Ang mga kaibigan ng ina ng mga bata ang nagsasabi na higit na kamukha ng mga “anak” ng aktor ang US-based ex-boyfriend ng nanay nila.
Para patunayan na may katotohanan ang kanilang mga hinala, ipinakita sa Cabinet Files ng mga kaibigan ng nanay ng mga bata ang litrato ng ex-boyfriend.
True enough, parang pinagbiyak na bunga ang mukha ng mga bata at ng dating karelasyon ng kanilang ina.
Malakas din ang kutob ng ex-boyfriend na siya ang biological father ng mga bata pero pinili niya na manahimik para hindi na magulo ang buhay ng mga “anak” ng aktor.