Eric Ejercito, proud na proud sa music video ng kanyang debut single

by Jojo Gabinete
Jul 1, 2018

Ngayong hapon, 4:00 pm, ang airing sa MYX Philippines ng music video ng Fearless, ang debut single ni Eric E. aka Eric Ejercito, ang commercial model, magician, social media influencer, aspiring actor at singer na anak ng aktor at ng former Laguna governor na si ER Ejercito.


Unang inilabas noong June 29 sa Spotify ang Fearless na collaboration nina Eric E. at Brian Lotho.

Continue reading below ↓

Si Justin Valles na kilala sa screen name na Jet Li ang dance choreographer ni Eric E. para sa music video ng Fearless.

Pamilyar ang pangalan ni Valles dahil ito ang professional breakdancer at choreographer ng Preotics, ang grupo na nanalo na America’s Best Dance crew noong 2010.

Napanood si Valles sa mga pelikula na Step Revolution at Step All In.

“Justin Valles is a choreographer in LA. He has worked with Justin Bieber, Taylor Swift,and Bruno Mars.

“I’m so fortunate to work with him. He’s the one who choreographed my dance for my music video,” kuwento ni Eric E. na nakilala si Valles dahil member din siya ng dance community at founder ng Team Elite, isang dance group ng mga estudyante ng La Salle University, ang alma mater niya.

Sinabi ni Eric na ang Fearless ang culmination ng lahat ng mga ginagawa niya bilang filmmaker, actor, singer, dancer at social media influencer.

Continue reading below ↓

Nagpapasalamat si Eric kay ER dahil very supportive ito sa showbiz career niya.

In fact, ang kanyang ama na kinumpirma niya na muling kakandidato sa eleksyon sa 2019 ang producer ng Fearless.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results