Chavit Singson, suportado pa rin si Pacman sa Pacquiao-Matthysse fight

by Jojo Gabinete
Jul 1, 2018

Naniniwala si former Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson na malaki ang tsansa ni Senator Manny Pacquiao na manalo sa Fight of Champions, ang boxing fight ng Pambansang Kamao at ng Argentine boxer na si Lucas Matthysse na magaganap sa July 15 sa Axiata Arena, Kuala Lumpur, Malaysia.


Continue reading below ↓

Tiniyak ni Singson na tulad ng mga nakaraang laban ni Pacquiao, suportado niya ang Pinoy boxing champ sa laban nito kay Matthysse.

“Well, always naman, nag-uusap kami ni Manny.

“Kung seryoso siya, mananalo naman pero magaling yung kalaban niya.

“Delikado rin dahil maganda ang record.

“Pero mananalo kung sa mananalo, na kay Manny naman talaga yan.

“Ang pustahan ngayon sa Las Vegas, doblado, in favor of Manny,” pahayag ni Singson na itinangging kasosyo niya si Pacquiao sa plano nitong dalhin sa Pilipinas para sa isang concert ang Korean actor na si Ji Chang Wook.

Iginiit ni Singson na ang partnership nila ng Satrap Power & Hanwha para sa kanilang solar energy panel business ang tanging investment niya sa South Korea.

Kinumpirma ni Singson na US$2 million ang halaga ng kanyang investment sa nabanggit na kompanya.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results