GMA-7 executive Annette Gozon-Valdes, sinagot ang mga humuhusga agad sa Victor Magtanggol ni Alden

by Jojo Gabinete
Jul 2, 2018

Hindi pa naglalabas ng official announcement ang GMA-7 tungkol sa exact telecast date ng Victor Magtanggol.

Pero may mga nagmamarunong at nagsasabing itatapat sa FPJ's Ang Probinsyano ni Coco Martin ang upcoming prime time teleserye ni Alden Richards.


Ipinaabot sa Cabinet Files ng isang insider na malaki ang posibilidad na hindi matuloy ang inaasahang pagtatapat nina Cardo Dalisay at Victor Magtanggol dahil, diumano, ang television series ni Alden ang ipapalit sa Kambal Karibal kapag nagwakas ito.

Continue reading below ↓

Samantala, may reaksiyon si GMA Films executive Annette Gozon-Valdes sa artikulo tungkol sa Victor Magtanggol na inilabas ng Esquire.ph, tatlong araw na ang nakararaan, at may pamagat na "Alden Richards is Definitely Not Thor in His Next TV Series."

Read: Alden Richards is Definitely Not Thor in His Next TV Series

Hindi nagustuhan ni Annette ang artikulo na tila hinuhusgahan daw agad ang Victor Magtanggol na hindi pa nag-uumpisa ang telecast kaya hindi niya napigilan ang sarili na magsalita.

Mensahe niya sa Facebook, "Your article lacks research. Even before Thor was a comic book character...he already existed in mythology. Thor is a Norse God...part of Norse mythology. They belong to the public domain.

"Don’t you even wonder why so many movies and shows have been made in the past with Thor in it? Because anybody can make it without violating copyright laws for as long as their factual basis is the original mythology.

Continue reading below ↓

"Maybe you should have waited for the show to launch so you would understand what the show is about. Yes, the show has allusions to the Norse mythology, but Alden's character is not Thor.

"However, the hammer he has IS the hammer of Norse mythology called the Mjolnir. How he is able to get it is part of what will be revealed in the show Victor Magtanggol.”

Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Alden Richards
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results