Boses ni Ebe Dancel, gabi-gabi nang mapapakinggan sa Bandila

by Jojo Gabinete
Jul 2, 2018

Bukas, July 3, ang 12th anniversary ng Bandila, ang news program ng ABS-CBN na unang napanood sa telebisyon noong July 3, 2006.

Maririnig ngayong gabi sa Bandila ang bagong theme song ng programa na composition ng singer/songwriter na si Jimmy Antiporda.

Ang singer-songwriter na si Ebe Dancel ang umawit ng bagong theme song ng Bandila.


Continue reading below ↓

Para sa kanya, isang malaking karangalan na gabi-gabi, mula Lunes hanggang Biyernes, maririnig ng mga manonood at ng kanyang mga magulang ang boses niya.

Sinabi ni Ging Reyes, head ng Integrated News and Current Affairs ng ABS CBN, na maganda ang new theme music ng Bandila, mananatili silang tapat sa kanilang mga tungkulin bilang mga mamamahayag, at para sa katotohanan ang una at huling commitment nila.

Ang "Bandila" na inawit ni Ebe ang kapalit ng "Isang Bandila," ang original theme song na kinanta ni Rico Blanco noong miyembro pa ito ng Rivermaya.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results