Video ng tatlong batang naninigarilyo, nag-viral; ina ng mga bata, itinangging siya ang nagturo sa mga ito

by Jojo Gabinete
Jul 2, 2018

Viral ang video ng tatlong bata—dalawang babae at isang lalaki na may edad anim hanggang siyam—na naninigarilyo sa bangketa ng Sta.Mesa, Manila.

Sinabi ng mga bata na ang ina at kuya nila ang nagturo sa kanila ng nabanggit na bisyo.


Continue reading below ↓

Ibinalita sa mga news program ng mga television network ang viral video at ito ang naging dahilan para kumilos ang mga kinauukulan.

Natunton ng News team ng mga television station ang ina ng mga bata, pero mariin ang pagtanggi niya sa pahayag ng mga paslit at nanindigang hindi siya naninigarilyo.

Nabahala ang Manila Social Welfare & Development Office sa sitwasyon ng mga menor de edad kaya tumulong sila sa imbestigasyon.

Sa panayam ng TV Patrol kay Nanet Tanyag, ang OIC ng Manila Social Welfre & Development Office, sinabi niyang titiyakin nilang hindi na makakahawak ng sigarilyo ang mga maliliit na bata at aalamin nila ang naging epekto ng sigarilyo sa kalusugan ng mga paslit.

"Nakakalungkot na makita na sa ganoong murang edad ay naninigarilyo sila at matapang ang kanilang pagsagot sa tao na nagtatanong," pahayag ni Tanyag.

Postscript: Inilunsad ngayon ang bagong logo ng PEP.ph na may paliwanag na “The varied colors of our logo encapsulate the riveting world of entertainment as well as the expansion of our content to anything that amuses, alarms, and amazes the readers. Our site maintains the best about PEP."

Continue reading below ↓

Nakakaalarma ang balita at ang viral video tungkol sa mga bata na natuto nang manigarilyo sa murang edad.

Akmang-akma ito sa misyon ng PEP.ph na palawakin ang mga nilalaman, inilalahad na kuwento, at katotohanan ng nangungunang entertainment website ng bansa.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results