Vice, naka-tag sa mga news link ng Gilas Pilipinas-Australia brawl; Terrence Romeo, walang pinagsisisihan

by Jojo Gabinete
Jul 3, 2018

History na ang mga balitang nag-uugnay kay Vice Ganda at sa Gilas Pilipinas basketball player na si Terrence Romeo.

Pero sa tuwing nasasangkot si Romeo sa mga kontrobersiyal na isyu, naging ugali na ng mga Pilipino na i-tag sa TV host-comedian ang mga news link tungkol sa rumored ex-lover niya.


Continue reading below ↓

Ang "basketbrawl" sa pagitan ng Filipino at Australian players na nangyari sa FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Philippine Arena kagabi, July 2, ang mainit na pinag-uusapan.

Tulad ng dati, naka-tag kay Vice Ganda ang mga news link tungkol sa pakikipagbakbakan ni Romeo na tila pinalalabas na hindi updated at clueless ang TV host-comedian na alam ng lahat na active sa social media.

Bukod sa mga Romeo news link na naka-tag kay Vice Ganda, mabilis na kumalat ang Twitter statement ng basketball star na hindi pinagsisihan ang pananapak na ginawa.

Pahayag niya, "Dun sa mga kapwa namin players na nag sasabing embarassing [sic] kami wala kaming pakialam sa inyo. Kami magkaka- teammate sa loob kailangan namin matulungan.

"Hindi namin pwede pabayaan yung isat isa. Kung embarassing kami sa mata niyo bat di kayo mag convert ng australian.

"Kahit anong sabihin niyo nag lalaro kami para sa isat isa para sa kapwa natin pilipino higit sa lahat para sa bayan. Hindi niyo alam ang sacrifice namin.

Continue reading below ↓

"Kung para sa inyo mali tulungan namin yung kakampi namin sinasaktan problema niyo na yun basta kami walang iwanan tapos!!!”

Sa kabila nito, mas marami ang pumupuri at itinuturing siyang idol dahil sa katapangan na kanyang ipinakita.

Isang araw bago ang basketball match ng team nina Romeo at ng Australia, nag-post pa siya ng video na premonition ng mga magaganap para sa mga mahihilig sa pamahiin.

"Sa lahat po ng kababayan namin, sana po suportahan niyo kami bukas sa laban namin kontra Australia.

"Ibibigay po naming yung best namin.

"Kailangan po namin ang suporta at dasal niyo,” ang imbitasyon ni Romeo, na ibinigay talaga ang best niya sa pagsapak sa mga manlalaro mula sa Australia.

Pinagpasa-pasahan din ang selfie video ng Gilas Pilipinas player na si Marc Pingris, ilang minuto matapos mangyari ang kaguluhan sa Philippine Arena.

"Hindi niyo kami kaya boy!" ang sabi ni Pingris, habang kinukunan ng video ang sarili at ang mga kasamahan niya sa Gilas Pilipinas habang umaalingangaw sa loob ng Philippine Arena ang maingay na reaksiyon ng audience.

Continue reading below ↓


Nagawa pa ni Pingris at ng teammates niyang magkaroon ng groufie shot bilang pagpapakita ng pagkakaisa nila.


Continue reading below ↓


On the other hand, sinisisi si Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes dahil sa paratang na, diumano, hindi niya nakontrol ang mga miyembro ng kanyang team.

Pero may paliwanag siya tungkol sa insidente sa panayam ng TV5.

Saad niya, "It’s absolutely unacceptable but the reality is that [Daniel] Kickert… hitting our players during the warm-ups.

"He hit Carl Bryan Cruz, he hit Matthew Wright, [Roger] Pogoy, and he hit Calvin Abueva during the warm-ups.

"So when he did that, the foul of Pogoy on Goulding was an offensive foul, it was a basketball play, but he [Kickert] was the one who came in and decked Pogoy. Fifth time.

"You don’t expect to do it to a team five times and not expect to to retaliate.

"We already told them, 'Huuwag niyo nang pansinin, focus on the game,' but you know, after that, when he did that in the third quarter, it’s hard to restrain them anymore."

Continue reading below ↓

Idinagdag pa ni Reyes na naiintindihan niya ang disappointment na nararamdaman ng basketball fans, pero hindi raw alam ng mga ito ang nangyari.

"You have to be in the team, you have to be in our circle to really understand what went down," ang depensa ni Reyes.

Naglabas naman kagabi ng statement si Anthony Moore, ang Chief Executive ng Basketball Australia, tungkol sa controversial incident.

Continue reading below ↓

"Basketball Australia deeply regrets the incident in tonight’s match between the Boomers and the Philippines in Manila.

"We are extremely disappointed with what happened and our role in it.

"This is not the spirit in which sport should be played and certainly not in the spirit in which we aim to play basketball.

"We apologise to our fans and will await the penalties to be handed down."

Nangako si Moore na magpapainterbyu ngayong umaga mula sa Brisbane, Australia tungkol sa naganap na kaguluhan.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results