Pagsagip sa Thai soccer team na na-trap sa kuweba ng 9 days, tinutukan ng international media

by Jojo Gabinete
Jul 3, 2018

Habang nagkakagulo at mainit na pinag-uusapan ng mga Pilipino ang kaguluhan na nangyari kagabi sa FIBA World Cup Asian Qualifiers, nagbubunyi naman ang buong mundo dahil natagpuan na buhay ang 12 Thai soccer players at ang kanilang coach.


Ito ay pagkatapos ng siyam na araw na pagkaka-stranded sa madilim, malayo, at malalim na kuweba ng Tham Luang Nang Non sa Chiang Rai, Thailand.

Continue reading below ↓

Tinutukan ng international media tulad ng CNN, BBC, at Fox News ang paghahanap sa mga miyembro ng Wild Boar soccer team na may edad 11 hanggang 16.

Read: Video shows first look at soccer team trapped for a week in Thailand cave

Nagpunta at pumasok sa kuweba ang grupo noong June 23 para sa kanilang team outing, pero hindi na sila nakalabas dahil sa malakas na buhos ng ulan at pagbaha ng tubig na 16-feet ang lalim.

Ang mga bisikleta na nakaparada sa harap ng cave entrance na nakita ng isang park attendant ang dahilan kaya natuklasan ang pagkawala ng mga young Thai soccer player at ng coach nila.

Nagkaroon ng international rescue operation dahil tumulong paghahanap ng Thai Navy SEALs sa stranded victims ang Amerika, China, Australia, at United Kingdom.

Hindi naging madali ang paghahanap sa kinaroroonan ng mga trapped victim kaya napaluha ang mga sumusubaybay sa rescue operation nang malaman nilang ligtas at buhay ang mga bata at ang kanilang coach.

Continue reading below ↓

Hindi pa tapos ang misyon dahil mas mahirap ang paglalabas sa mga nanghihina na biktima mula sa malayo at malalim na kuweba.

Sinabi ng isang rescue consultant na kailangan ng mga biktima na mag-dive sa tubig para mailabas sila ng mga tagapagligtas mula sa kuweba.

Kailangan din ng rescue team ng mga doktor at nurse na papasok sa kuweba para suriin at tiyakin na maayos ang kalagayan ng mga bata.

Umaasa ang rescue team na makukumpleto nila ngayon ang kanilang misyon at magiging matagumpay ang pagliligtas nila sa mga bata.

Postscript: Hindi nakapagtataka kung magkaroon ng mga documentary o pelikula tungkol sa karanasan ng trapped victims dahil nagbibigay ito ng inspirasyon, pag-asa, at kapupulutan ng mga aral.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results