Ang Probinsyano ni Coco Martin, di totoong papalitan ng Starla ni Judy Ann Santos

by Jojo Gabinete
Jul 4, 2018

"Fake news!"

Ito ang reaksiyon ng talent manager na si Biboy Arboleda tungkol sa mga balitang lumabas na tatapusin na ng ABS-CBN sa September 2018 ang FPJ's Ang Probinsyano, ang top-rating prime time show ni Coco Martin, at ipapalit sa nabanggit na programa ang Starla, ang television series na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos.


Continue reading below ↓

Si Biboy ang business manager nina Coco at Judy Ann kaya may karapatan siyang ituwid ang mga balitang mali dahil siya ang higit na nakakaalam sa katotohanan.

"Mali, fake news, hindi totoo at hindi nice headline," reaksiyon ni Biboy sa mga balitang ang Starla ang ipapalit ng ABS-CBN sa Ang Probinsyano.

Isa si Biboy sa mga business manager na accommodating at sumasagot sa mga isyu na sangkot ang kanyang mga talent, kaya kung may mga katanungang kailangan ng tumpak na kasagutan, he's just a text away.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results