Mga anak ni Jackie Forster, excited nang makita ang kuya nilang si Andre Paras

by Jojo Gabinete
Jul 5, 2018

Si Jackie Forster at ang kanyang mga anak na sina Jared at Caleigh ang special guests sa Magandang Buhay ng ABS-CBN ngayong Huwebes ng umaga, July 5.

Sa interview ng hosts na sina Karla Estrada at Melai Cantiveros, sinabi nina Jared at Caleigh ang kagustuhang makita at makilala na nang personal ang kanilang panganay na kapatid na si Andre Paras.

Sabi ni Caleigh, "I really get impatient but sometimes when I see people, when I want to see him, I get shy, but after I got used to it, it’s like fun and exciting."

Ayon kay Jackie, maganda ang relasyon nina Jared at Caleigh kay Kobe kaya excited na ang dalawa na makilala si Andre.

"She wants to feel how it is with Andre.

"And Kobe tells them naman na, 'Makulit si Kuya Andre. He’s also a lot like you. He likes to perform and everything. You guys have a lot in common.'

Continue reading below ↓

"So she’s super excited."

Mensahe naman ni Jared para kay Andre, "I hope to see you soon and bond with you."

Mula sa London, bumalik sa Pilipinas noong June 15 si Jackie, ang kanyang asawa, at ang kanilang mga anak para makilala ng mga bata si Andre.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results