Alden Richards, kalaro at kakulitan ng child actor na si Yuan Francisco sa taping

by Jojo Gabinete
Jul 5, 2018

Ang child actor na si Yuan Francisco ang gumaganap na sidekick ni Alden Richards sa Victor Magtanggol, ang upcoming prime time teleserye ng GMA-7.


Nagsimula ang acting career ni Yuan nang ma-discover siya sa isang mall at nang ibigay sa kanya ang role ni Pao-Pao sa remake ng Encantadia noong 2016.

Continue reading below ↓

Pamangkin ni Victor Magtanggol na nakakaalam sa mga sikreto nito ang karakter ni Yuan sa drama action-fantasy television series na pinagbibidahan ni Alden.

"Palagi akong sumasama sa kanya, kahit wala akong super power.

"Ako lang ang po ang nagsasabi ng ‘Go, Tito, go Tito. Taga-cheer po ako," ang explanation ng 8-year-old actor tungkol sa role niya.

On and off-cam, si Yuan ang kalaro at kakulitan ni Alden sa set dahil bukod sa mahilig sa bata ang bida ng Victor Magtanggol, magaan na katrabaho ang child star.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results