Pelikula tungkol sa Chiong sisters, paano tatanggapin ng pamilya ng prime suspect sa rape-murder ng magkapatid?

by Jojo Gabinete
Jul 6, 2018

Interesado ang Cabinet Files na malaman ang magiging reaksiyon ng pamilya ni Francisco Juan "Paco" Larrañaga sa nalalapit na pagpapalabas sa mga sinehan ng Jacqueline Comes Home, ang pelikula na directorial debut ni Ysabelle Peach, na mas kilala bilang anak ng direktor na si Carlo J. Caparas at ng pumanaw na movie producer na si Donna Villa.


Noel Orsal

Continue reading below ↓

Si Larrañaga ang prime suspect sa pagkidnap, pang-aabuso at pagpaslang sa magkapatid na Jacqueline at Marijoy Chiong ng Cebu City noong July 16, 1997.



Si Carlo ang producer at sumulat ng kuwento ng Jacqueline Comes Home na base sa celebrated rape-murder case ng Chiong sisters.

Pero ipinagkatiwala niya ang direksiyon ng pelikula sa kanyang anak na babae.

Continue reading below ↓

Noong February 2004, death by lethal injection ang ipinataw ng korte na parusa kay Larrañaga at sa anim na co-accused niya.

Pero inabutan ito ng abolition ng death penalty sa Pilipinas noong June 24, 2006.

Dahil sa dual citizenship (Filipino and Spanish) ni Larrañaga, nagawa ng Spanish government na ilipat siya sa Madrid Central Penitentiary sa Soto de Real, Spain para doon ikulong ang suspek sa bisa ng Treaty on the Transfer of Sentenced Persons, sa kabila ng mahigpit na pagtutol ng Chiong family.

Bago pa naisip ni Caparas na mag-produce ng pelikula tungkol sa kaso ng Chiong sisters, nauna nang ni-release ang documentary na Give Up Tomorrow na ipinalabas sa mga international film festival noong 2011.


May kopya ang Cabinet Files ng Give Up Tomorrow na malinaw ang layunin: ang mabigyan ng hustisya si Larrañaga na nanindigang inosente siya sa mga kasalanan na ibinibintang laban sa kanya.

Continue reading below ↓

Sa July 18 ang playdate sa cinemas nationwide ng Jacqueline Comes Home na tinatampukan nina Meg Imperial at Donnalyn Bartolome.

Very timely ang playdate ng pelikula dahil gugunitain sa July 16 ang 21st anniversary ng brutal na pagpaslang sa magkapatid na Marijoy at Jacqueline.

Kahit nakakulong na si Larrañaga at ang mga co-accused nito, naghahanap pa rin ng hustisya ang Chiong family dahil hanggang ngayon, hindi pa natatagpuan ang bangkay ni Jacqueline.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results