Sam Milby, alam na ang sexual orientation ni Mari Jasmine bago pa sila maghiwalay

by Jojo Gabinete
Jul 8, 2018

Out of town si Sam Milby nang pumutok noong Huwebes ang mga report tungkol sa pag-amin ng kanyang ex-girlfriend na si Mari Jasmine sa same-sex relationship nito sa direktor na si Samantha Lee.


Hinihintay ang pagsasalita ni Sam dahil interesado ang karamihan na malaman ang reaksiyon niya.

Continue reading below ↓

Isang malapit na kaibigan ni Sam ang nagsabi sa Cabinet Files na hindi apektado ang aktor sa rebelasyon ni Mari Jasmine dahil bago pa sila naghiwalay, alam na niya ang katotohanan.

“Mas magiging masakit siguro para kay Sam kung ito ang may problema o pagkukulang kaya naghiwalay sila ni Mari Jasmine, pero alam na niya ang tunay na dahilan kaya hindi siya nasaktan,” sabi ng kaibigan ni Sam sa Cabinet Files.

Sa guesting niya sa Tonight with Boy Abunda noong March 2018, walang patumpik-tumpik na inamin ni Sam na hiwalay sila ni Mari Jasmine nang tanungin siya ni Boy.

“She’s a very private person, but I will say she’s an amazing person.

"I’m turning 34 in May so I’m thinking of family, getting married, and having a family.

"There are certain things that, we don’t… I don’t want to share too much but we’re okay.

Continue reading below ↓

"I don’t want to say na we’re friends and nag-uusap pa kami, no, but we’re okay,” ang hindi nagpaliguy-ligoy na sagot ni Sam sa tanong ni Boy.

Mas naiintindihan na ngayon ng mga tao ang tunay na kahulugan ng mga pahayag ni Sam sa guesting nito sa programa ni Boy Abunda dahil sa kumpirmasyon ni Mari Jasmine na kapwa babae ang karelasyon at inspirasyon niya sa kasalukuyan. #FromSamToSam.


Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results