David Licauco, grateful na makasama ang seasoned actors sa Kapag Nahati ang Puso

by Jojo Gabinete
Jul 8, 2018

Si David Licauco ang gumaganap na best friend ng karakter ni Bea Binene sa Kapag Nahati ang Puso, ang morning drama series ng GMA-7 na mapapanood simula sa July 16 at kapalit ng My Guitar Princess na magwawakas sa July 13.


Ang Kapag Nahati ang Puso ang second TV series project ni David sa Kapuso Network dahil una siyang nabigyan ng malaking break sa Mulawin vs Ravena noong 2017.

Continue reading below ↓

Grateful and thankful si David dahil mga seasoned actor ang co-stars niya sa Kapag Nahati ang Puso, gaya nina Zoren Legaspi, Bing Loyzaga, at Sunshine Cruz.

"Super overwhelming and excited siyempre, marami na akong makakasama na magagaling.

"Hopefully, marami akong matutunan," pahayag ni David sa grand media launch ng Kapag Nahati ang Puso noong Biyernes, July 6, 2018.

Postscript: Noong June 15 ang 22nd birthday ni David pero nitong Sabado, July 7, naganap ang kanyang post-birthday celebration cum meet-and-greet at get-together party nila ng fans at supporters niya.

Continue reading below ↓

Noong June 23 ang original date ng meet-and-greet pero hindi ito natuloy dahil nagkaroon ng biglaang shooting si David para sa kanyang launching movie, ang Because I Love You.

Amusing para sa iba ang ginanap na fans day ni David dahil sa P600 contribution na hiningi mula sa mga tagahanga na dumalo.


Continue reading below ↓

Para sa kanila ay comparable ito sa controversial Twitter and shout-out post ni Jameson Blake ("Any graphic designers here? Who’s willing to make me a cover photo/banner for ex. YoutTube, twitch. I need a banner with the username 'LucidExpress.' Best one gets a shout out from me.").

Trivia. Hindi itinuloy ni Aprilyn "Ella" Marquinez, ina ni James Reid, ang welcome home party para sa kanya ng JaDine fans noong May 2016 dahil sa pang-iintriga sa P700 entrance fee.


Continue reading below ↓

"I am not affected ‘coz I never ask money for my welcome party. It’s just I’m not used of this and accusing me asking money [sic]," ang paliwanag ng nanay ni James.


Wala talagang kinalaman si Mommy Ella dahil ang fans ng kanyang anak ang organizer ng naudlot na welcome home party para sa kanya, dalawang taon na ang nakalilipas.

Continue reading below ↓



Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
cabinet files, david licauco
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results