Buong mundo, nakatutok sa Thailand cave rescue operation

by Jojo Gabinete
Jul 8, 2018

Nakatutok ang buong mundo at ang international media sa isinasagawang pagliligtas ngayon, July 8, ng mga expert divers sa labindalawang bata (ages 11 to 16) na miyembro ng Wild Boars soccer team at sa kanilang 25-year old soccer coach na stranded sa Tham Luang Nang Non caves ng Chiang Rai, Thailand mula pa noong June 23, 2018.


Continue reading below ↓

Pinaalis na sa harap ng kuweba ang mga miyembro ng media, ang mga volunteer at ang mga nag-uusyoso para walang sagabal sa pagliligtas sa trapped victims na live na mapapanood sa CNN at BBC.

Nakaabang na rin ang mga ambulansya at mga helicopter na magdadala sa mga biktima sa Chiangrai Prachanukroh Hospital, ang pinakamalapit na ospital sa kuweba.

Nagdesisyon si Chang Rai Governor Narongsak Osottanakorn na gawin ngayon ang pagliligtas sa trapped victims dahil sa paparating na malakas na ulan na muling magdudulot ng baha sa loob ng kuweba na lalong magpapatagal sa rescue operations nila.

May kinalaman ang final order ni Osottanakorn sa nangyari sa Thai navy diver na si Saman Gunan na nawalan ng malay at tuluyan nang binawian ng buhay habang nagdadala ng oxygen tanks sa loob ng kuweba.

Nadagdagan ang pangamba ng lahat na baka mangyari sa mga bata ang naging kapalaran ni Gunan dahil sa limited oxygen supply sa lugar na kinaroroonan ng mga biktima.

Continue reading below ↓

Kung sino sa labindalawang bata ang dapat na unang iligtas at ilabas mula sa kuweba ang concern ng mga CNN anchor.

Isang resource person ang nagsabi sa CNN anchors na ang bata na may pinakamalakas na katawan ang dapat na unang iligtas ng mga diver dahil kapag naging tagumpay ang paglabas niya mula sa kuweba, mabubuhayan ng pag-asa at lalong titibay ang loob ng kanyang mga kasamahan.

Parang isang pelikulang sinusubaybayan pero mahirap hulaan ang magiging katapusan ng rescue mission na nagaganap ngayon sa Chiang Rai.

Mga modern equipment ang ginagamit at ang pinakamahuhusay na divers ang nagtutulung-tulong para mailigtas ang trapped victims bago pa muling bumuhos ang malakas na ulan.

As of 9 p.m. ngayong Linggo ng gabi, apat na bata na ang na-rescue.

Read Next
Read More Stories About
ordinary juan, cabinet files
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results