Buy Bust, rarampa sa New York at South Korean film festivals

by Jojo Gabinete
Jul 8, 2018

Ang Buy Bust ang closing film ng New York Asian Film Festival na nagsimula noong June 29, 2018 at magtatapos sa July 15, 2018.


Si Anne Curtis ang lead actress ng Buy Bust kaya lilipad siya sa New York sa July 14, kasama ang kanyang co-star na si Brandon Vera, ang Buy Bust director na si Erik Matti at ang Reality Entertainment producer na si Dondon Monteverde na mga dadalo rin sa screening ng kanilang drama action-packed movie.

Continue reading below ↓

Ang XYZ Films ang sales agent ng Buy Bust kaya magkakaroon ng screening ang first action movie ni Anne sa North America sa August 10.

Nakatakda naman sa July 18 ang Asian premiere ng Buy Bust sa 2018 Bucheon International Fantastic Film Festival ng Bucheon, South Korea.

Tumagal ng dalawang taon ang shooting ng Buy Bust kaya ibinahagi ni Anne sa followers niya ang training video para sa pinakamahirap na pelikulang ginawa niya, dahil literal na pawis at dugo raw ang puhunan niya rito.

“I can’t help but reminisce on all the training I did for Buy Bust.

"From spending a day training and shooting with the Scout Rangers and the Special Forces of the Philippines.

“And of course, my heavy training for Pekiti-Tirsia Kali with my Tuhons. Grabe! 2 years in the making. Literal, blood, sweat and bruises.

“And now, we are finally sharing all the hard work we put into this film next week in NYC, SoKor and in the PH on August 1,” sabi ni Anne tungkol sa Buy Bust na isa sa mga pelikulang ipinagmamalaki niya.

Continue reading below ↓

Incidentally, hindi lamang ang Buy Bust ang mapapanood sa New York Asian Film Festival dahil naging bahagi rin nito ang blockbuster movie nina Anne at Dingdong Dantes, ang Sid & Aya (Not A Love Story).

Read Next
Read More Stories About
Anne Curtis
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results