Bistek@50, "tell-all" sa love story nina Kris at Mayor Herbert?

by Jojo Gabinete
Jul 8, 2018

Dapat na basahing mabuti ang biography ni Quezon City Mayor Herbert Bautista, ang Bistek@50, Life in Full Color, para higit na maunawaan ng publiko ang maling akala na inamin niya sa libro ang balita tungkol sa kanyang dalawang beses na marriage proposal kay Kris Aquino.


For the record, walang denial at lalong walang admission mula kay Mayor Herbert pero totoong tinalakay sa Bistek@50 ang rumored relationship nila ni Kris.

Continue reading below ↓

Hindi kinumpirma ni Mayor Herbert ang balita dahil ang report ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang alleged marriage proposal noong 2014 at ang mga pahayag ni Kris na may kinalaman sa rumored love affair nila ang ginamit na basehan sa artikulo na mababasa sa biography book niya.

Isang malapit sa puso ni Mayor Herbert ang nagsabi sa Cabinet Files na hinding-hindi kokontrahin ng Quezon City mayor ang mga kuwento at claim ni Kris tungkol sa kanilang napapabalitang relasyon dahil alam ng aktres na gentleman ang comedian-turned-public servant.

Sa press launch ng Bistek@50 noong Biyernes, July 6, puro mga salitang magaganda at mga papuri para kay Kris ang narinig mula kay Herbert na kilala sa pagkakaroon ng mataas na respeto sa mga kababaihan.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results