Apat na bata, naligtas na mula sa Thailand cave rescue operations

by Jojo Gabinete
Jul 8, 2018

Limampu ang foreign divers at apatnapu ang bilang ng Thai divers na nagtulung-tulong para mailabas ngayong gabi ang apat sa labindalawang bata na miyembro ng Wild Boars soccer team na nakulong sa Tham Luang Nang Non caves ng Chiang Rai, Thailand mula pa noong June 23, 2018.


Continue reading below ↓

Dinala agad ang mga bata sa Chiang Rai Prachanukroh Hospital ng medical team at ng mga ambulansya na naghihintay sa cave entrance.

Inuna ng rescue team na ilabas mula sa kuweba ang mga bata na nanghihina at magpapatuloy ang kanilang misyon pagkatapos ng sampung oras.

Ipinagbunyi ng lahat ang matagumpay na pagliligtas ng mga diver sa mga bata.

Ang Thai Navy SEAL ang unang naglabas sa kanilang Facebook account ng balita tungkol sa apat na bata na nailabas na mula sa loob ng baha, madilim at malalim na kuweba.

Maagap ang BBC at ang Al Jazeera sa pagbabalita tungkol sa pagkakasagip sa apat na trapped victims at nakapagtataka na tila nahuli ang CNN sa paghahatid ng kanilang report, kahit nakabantay sa venue ang kanilang reporter na si David McKenzie.

Bumawi na lang ang CNN nang ilabas nila sa kanilang website ang mga impormasyon tungkol sa mga nangyari sa presscon na ipinatawag ni Chang Rai Governor Narongsak Osottanakorn.

Continue reading below ↓

From the transcript of Chiang Rai Gov. Narongsak Osotthanakorn's press conference moments ago, narito ang ilang importanteng update tungkol sa rescue mission:

"The operation today went quicker than when we rehearsed, 10 minutes quicker.

"We don't know the rescued boys' names, but they're safe:

"We haven't confirmed the identity of the four boys and the rest, where they are now... Four of them have been safely in doctor's hands at Prachanukroh Hospital.

"We have 13 divers in the rescue team with an extra five Navy SEALs. There are 90 staff for the whole operation. Fifty are foreign staff divers, 40 Thai.

"The kids wore face masks: The method to get them out, all the boys are wearing full face mask and the rescue divers carried them out through the passage in the cave complex."

Read Next
Read More Stories About
ordinary juan, cabinet files
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results