Gary V, cancer-free na pagkatapos ng successful kidney operation

by Jojo Gabinete
Jul 8, 2018

Dalawa ang good news na napanood ngayong gabi sa telebisyon.

Una ay ang successful rescue mission sa apat na bata na miyembro ng Wild Boars na labinlimang araw nang stranded sa kuweba ng Tham Luang Nang Non.

Ang pangalawa ay ang assurance ni Gary Valenciano sa viewers ng Rated K na cancer-free na siya dahil naging matagumpay ang kidney operation niya noong June 13.


Continue reading below ↓

Sinabi ni Gary na hindi na niya kailangang sumailalim sa chemotherapy at radiation treatments dahil inalis na ng mga doktor ang malignant tumor sa kanyang kidney.

If not for his wife Angeli Pangilinan-Valenciano, hindi malalaman ng mga nanood ng Rated K na 39 lashes ang tinanggap ni Jesus Christ mula sa tormentors Nito.

Sa panayam sa kanya ng Rated K, ikinumpara ni Angeli ang 39 lashes kay Panginoong Hesus sa 39 years na lumipas mula nang unang lumabas sa telebisyon ang asawa niya.

Bago natuklasan na may kidney cancer si Gary, sumailalim muna siya sa emergency open-heart surgery noong May 2018 dahil sa blockage sa kanyang left anterior descending artery.

Natatandaan ng Cabinet Files ang kuwento tungkol sa unang pagkakataong ikinumpara ni Angeli ang karanasan ng kanyang asawa sa nangyari kay Jesus Christ.

Pangatlong araw ng successful open-heart surgery ni Gary nang tumayo ito at maglakad na inihalintulad ni Angeli sa resurrection o muling pagkabuhay ni Jesus Christ.

Continue reading below ↓

Ang malakas na pananampalataya ni Angeli sa Panginoon at sa mga milagro na ginagawa Nito sa kanyang pamilya ang ilan sa mga possible reasons kaya hindi niya maiwasan na ikumpara sa mga karanasan ni Jesus Christ ang mga pagsubok na matagumpay na nalampasan nila.

Trivia: Noong 1978 o thirty-nine years ago ang unang television appearance ni Gary sa commercial ng isang brand ng soft drink, ang Fress Gusto, na matagal nang hindi available sa market.

Fourteen years old si Gary noon.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results